DentalCare Logo
erosion

Mga Implant – Pangangalaga sa Bahay - Dental implants - Home Care - Tagalog

Ang mga dental implant ay isang opsyon upang mapalitan ang mga nawawalang ngipin. Ang mga implant sa ngipin ay kumikilos tulad ng mga pagpapalit sa mga ugat ng ngipin at maaaring kabitan ng inyong dentista ng isang kap (korona) o iba pang mga pagkukumpuni upang palitan ang isa o mas marami pang ngipin. Bagama’t hindi nabubulok ang mga dental implant (mga pagkabulok), maaari silang dumanas ng pagkawala ng gilagid at buto (o peri-implantitis) kung may pagdami ng bakterya sa plaque sa paligid ng mga implant. Ang bakterya sa dental plaque ay maaaring gumawa ng mga lason na nagsasanhi ng implamasyon sa inyong mga gilagid at buto. Maaari itong magdulot ng pamamaga, pagdurugo, pagkawala ng buto sa paligid ng mga implant, at pati na ang pagluwag at pagkawala ng implant. Dahil maaaring mabuo ang mga implant ng ganitong uri ng pagkawala ng gilagid at buto, kinakailangan ng mga ito ang patuloy na pangangalaga sa bahay upang masiguro na walang pagdami ng bakterya sa plaque sa paligid ng mga implant.

Dental implants pro

Dahil naiiba ang pinakamahusay na pangangalaga sa bahay batay sa uri ng pagkukumpuni ng nakakabit sa implant, mahalaga na talakayin kasama ng inyong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng ngipin ang pinakamahusay na paraan upang mapanatiling malinis ang inyong mga implant.

Mga solong implant na ngipin

  • Sipilyuhin ang implant nang hindi bababa sa dalawang beses araw-araw gamit ang isang malambot na manwal o electronic na rechargeable na sipilyo.
  • Gumamit ng parubado ng ADA ng may lamang fluoride na toothpaste.
  • Mag-floss nang di bababa sa minsan araw-araw
    • Isingit ang floss sa kontak na nakapalibot sa dental implant
    • Ipaekis-ekis ang floss sa harap ng dental implant

Dental Implants Home
    • Igalaw-galaw ang floss na tila nagpapakintab ng sapatos sa at ibaba lamang ng linya ng gilagid
  • Sa mga lugar kung saan ang mga pagitan ng ngipin ay mas malawak o kung may espasyo sa pagitan ng dental implant at ng ngiping katabi nito, gumamit ng interdental na sipilyo upang linisin ang pagitan ng mga implant at ngipin.

Dental Implants Home
Dental implants pro
Implants
  • Magmumog nang minsan hanggang dalawang beses araw-araw gamit ang pangmumog na walang alkohol.
  • Kung inirekomenda ng inyong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng ngipin, gumamit ng isang stimulator na may goma sa dulo upang masahiin at/o ma-stimulate ang tisyu ng gilagid.
  • Kung inirekomenda ng inyong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng ngipin, pag-isipan ang paggamit ng pambibig na irrigator sa mahinang pwersa upang linisin ang mga lugar sa pagitan ng ngipin.

Stud at/o mga bar-retained na nakakabit para sa mga natatanggal na buo o bahagyang pustiso

  • Para linisin ang stud attachment/bar na dadaan sa mga gilagid mo, iposisyon ang mga bristle ng sipilyo sa stud attachment/bar at maglapat ng banayad na pressure. Panatiliin ang mga bristle sa patayong posisyon. Ang pagpoposisyong ito ay nakakatulong sa pagtanggal ng dumi na nakapaligid sa stud attachment at sinisiguro na maugnay ng mga bristle ang indentation sa tuktok ng stud attachment o screw hole sa bar at alisin ang mas maraming nakadikit na plaque at dumi.
Dental implants home
  • Ibabad ang pustiso sa inirekomendang solusyon na panlinis ng pustiso. Ibabad lamang sa tagal na inirekomenda ng tagagawa.

  • Sipilyuhin ang lahat ng surface ng pustiso gamit ang denture brush at magmumog bago ibalik sa inyong bibig.

  • And dumi ay maaaring maipon sa loob at sa paligid ng retentive na elemento ng stud attachment/bar na naka-embed sa pustiso at naaapektuhan ang retention at katatagan ng pustiso kapag ipinasok. Dapat mong ilagay ang mga bristle sa mga retentive na elemento ng stud attachment/bar at maglapat ng banayad na pressure para alisin ang dumi sa loob at sa paligid ng retentive na elemento.

  • Tingnan nang mabuti ang mga bahagi ng nakakabit na implant sa loob ng pustiso. Kung may nakita kang bahagi na napudpod o nawawala, bumisita sa inyong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng ngipin para sa isang eksamen at pagkukumpuni o pagpapalit.

Buong pustiso na full-arched at permamente

  • Magsipilyo ng dalawang beses man lang bawat araw gamit ang malambot na mano-mano o electric na sipilyo gamit ang aprubado ng ADA na fluoride toothpaste.
  • Mag-floss nang di bababa sa minsan araw-araw gamit ang floss-threader o floss na may kasamang threader upang maisingit ang floss sa ilalim ng permanenteng pustiso.
  • Kung inirekomenda, gumamit ng interdental at/o end tuft na sipilyo upang ma-abot ang mga lugar sa ilalim ng dental na pustiso.
  • Gumamit ng pambibig na irrigator sa mahinang pwersa minsan hanggang dalawang beses araw-araw. Itutok ang irigasyon ng tubig sa ilalim ng prosthesis sa direksyon na perpendikular sa direksyon ng paglabas ng mga implant mula sa tisyu ng gilagid.

Kung inyong mapansin ang palagiang pamumula, pagdurugo, nana, o masakit na mga tisyu ng gilagid sa paligid ng inyong mga dental implant, bumisita sa inyong dental na propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan upang matasa nila ang inyong mga implant upang malaman kung mayroong implamasyon sa inyong mga gilagid at/o sa buto sa paligid ng mga implant.

Mga tip upang mapanatiling malulusog ang inyong mga implant:

  • Tanungin ang inyong dental na propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ang tungkol sa tiyak na mga rekomendasyon sa paglilinis at mga nakasulat na tagubilin sa pag-aalaga ng inyong mga dental na implant.
  • Siguraduhing madalas at maayos ninyong nililinis ang paligid ng inyong mga implant.
  • Pag-isipan ang paggamit ng mga espesyal na panlinis na kagamitan upang linisin ang paligid ng mga dental na implant dahil malamang na mas maliit at ibang hugis ng mga ito kaysa sa mga ngipin na kanilang pinalitan.
  • Bumisita sa inyong dental na pangkat nang regular upang masuri nila ang kalusugan at paggana ng inyong mga dental implant.