Pananakit at Pag-aalis ng Mga Wisdom Tooth - Wisdom Teeth Pain and Removal - Tagalog
Ang mga wisdom tooth, o mga ikatlong bagang, ay ang mga panghuling ngipin na tumutubo sa bibig, na karaniwan sa mga huling bahagi ng ating pagiging tinedyer o sa mga unang taon sa twenties. Ang 4 na wisdom tooth ay ang mga panghuling ngipin sa likod ng iyong bibig – sa itaas at ibaba. Hindi lahat ng tao ay may mga wisdom tooth at kung hindi naman ito nagpapasikip sa iba pang ngipin, maaaring panatilihin ang mga ito at maaaring magamit tulad ng iba pang bagang sa pagnguya ng pagkain.
Pananakit at Impeksyon ng Mga Wisdom Tooth
Madalas, nakukulong ang mga wisdom tooth sa panga at hindi nakakalusot sa tissue ng gilagid. Kung minsan, baluktot ang mga wisdom tooth at nagsasanhi ng mga sira o sakit sa gilagid. Kung ang mga wisdom tooth ay baluktot, nahaharangan ng iba pang ngipin o mayroong flap ng tissue ng gilagid sa itaas, maaaring pumasok ang plaque at pagkain sa paligid ng ngipin at magsanhi ng mga sira, sakit sa gilagid, o impeksyon ng wisdom tooth.
Kumukuha ng mga X-ray para malaman kung may mga wisdom tooth ka at kung paano ang pagkakaposisyon ng mga ito sa iyong panga.
Kailangan bang alisin ang mga Wisdom Tooth?
Sa karamihan ng sitwasyon, mainam na bunutin ang mga naharangang wisdom tooth. Depende sa lokasyon ng ngipin, ang pagbunot ng wisdom tooth ay maaaring gawin sa tanggapan ng iyong dentista o sa tanggapan ng isang oral surgeon.
Nakaanggulo na ikatlong bagang na naharangan ng buto (wisdom tooth)
Ikatlong bagang na naharangan ng malambot na tissue.
Gumagawa ng hiwa at inaalis ang nakaharang na malambot na tissue at buto, para malantad ang crown ng apektadong ngipin.
Binubunot nang buo ang ngipin o hinahati sa malalaking piraso sa pamamagitan ng operasyon, at pagkatapos ay magkakahiwalay na inaalis kung hindi mabubunot nang buo ang ngipin. Isinasara ang bahaging binunutan sa pamamagitan ng mga tahi.
Mga Tip para sa Mabilis na Paggaling:
- Maglapat ng mga ice pack sa pisngi para sa pamamaga, kung saan ilalagay ito sa loob ng 30 minuto at aalisin sa loob ng 30 minuto
- Kumagat ng malinis na gauze para mahinto ang pagdurugo
- Kumain ng malalambot na pagkain at uminom ng dagdag na likido
- Huwag ngumuya ng matitigas o malulutong na pagkain sa mga sensitibong bahagi
- Maingat na magsepilyo sa araw pagkatapos ng operasyon
- Sundin ang mga tagubilin para sa pag-inom ng anumang gamot na irerekomenda ng iyong dentista
- Huwag gumamit ng mga straw sa pag-inom dahil maaaring maalis ang pamumuo ng dugo sa socket ng ngipin dahil sa pagsipsip
- Huwag uminom ng maiinit na likido
- Maaaring sabihan ka ng iyong dentista na gumamit ng mouthwash
Tumawag kaagad sa iyong dentista o doktor kung makakaranas ka ng labis na pagdurugo, pamamaga, matinding pananakit, o lagnat. Aabutin nang ilang linggo hanggang ilang buwan bago ganap na gumaling ang bibig mula sa pagkakabunot ng mga wisdom tooth
Tiyaking susundin ang mga espesyal na tagubilin sa pangangalaga sa bahay na ibinigay ng iyong dental professional.
SHARE